Obligasyon ng bawat tunay na lalakwe (anomang edad) na takpan ang kanyang dede maging gaano man ito kaliit. Pwedeng panyo, bulaklak, o kahit pa band-aid lang. Basta ang mahalaga, matakpan. period.
Ang authors nga kaya ng TunayNaLalake (blog) ay 100% ang pagkalalake?
Manifesto ng mga Tunay na Lalakwe
1. Ang tunay na lalakwe ay di rin natutulog. Dahil hinihintay nya munang makatulog ang mga lalake. 2. Ang tunay na lalakwe ay maraming salapi. 3. Ang tunay na lalakwe ay mahilig mag-english at iba pang languages. 4. Ang tunay na lalakwe ay hindi rin vegetarian. Dahil mahilig sila sa meat. 5. Ang tunay na lalakwe ay madalas sa gym at health conscious. 6. Ang tunay na lalakwe ay walang buto kagaya ng mga contortionist. 7. Ang tunay na lalakwe ay kayang umimbento ng salitang bakla on the spot, at nagkakaintindihan pa rin sila ng mga kapwa bakla. 8. Ang tunay na lalakwe ay maraming pamahid sa balat. 9. Ang tunay na lalakwe ay mahilig sa mikropono. Mahilig maghost o emcee, kumanta sa bidyoke, at bumirit ng falsetto kesyo regine velasquez, mariah carey, o charice pa yan. 10. Ang tunay na lalakwe ay nangangarap o nakasali na sa isang Ms. Gay Beauty Pegeant sa inter-school, inter-baranggay, o kahit saan pa yan. 11. Ang tunay na lalakwe ay highly competetive at mahilig sa mga pakontes. 12. Ang tunay na lalakwe ay maraming talent. Sinomang lalake na multi-talented, gaya ng pagkanta, pagsayaw, pagdadrama, pagdecorate, pagsusulat, at kung ano-ano pang arts, ay malaki ang posibilidad na sya ay isang paminta o panggap na lalake.
may isa pang version ang larawang yan, may identity ang bawat isa sa kanila. Ederlyn and friends yan. meron pa nga jan cobralyn ang pangalan e hehehe
ReplyDelete-bpa
MA-leeeee!!! Paano yung mga baklang bakat ang utong pag nag-t-shirt na makintab.
ReplyDelete